(I wrote this one year ago [as a note on Facebook]. This was my 1st Anniversary gift for my boyfriend. Now I'm posting this as a blog.. haha)
January 30, 2011.
Sino bang mag-aakala na sa araw na yan pala ang magiging simula ng“Fairytale” ko?
Sino bang mag-aakala na sa araw na yan, makikilala ko pala ang taong ko na ngayon?
At sino bang mag-aakala na ang lalaking matagal ko nang hinihiling na dumating sa buhay ko ay klasmeyt ko na pala nuong high school?
Nakakatuwang isipin..
Noong highschool, walang moment na nagkausap man lang kami.
Ngayon, hindi makukumpleto ang araw ko pag hindi ko siya makausap.
Nung high school, siya ang nakakairitang klasmeyt na sobrang maingay at mas madaldal pa kesa sa mga babae. Kung makatawa parang siya lang yung tao sa classroom.
Ngayon, yung tawa niya ang nagbibigay lakas sa boring na araw ko.
No. Hindi kami yung typical na love-hate love story na magkagalit at magkaasaran sa umpisa tapos mai-inlove din pala sa bandang huli.
We did not hate each other.
Yung totoo?
Nung high school, we knew about each other’s existence.. Pero hanggang dun lang. Alam ko classmate ko siya, alam niya classmate niya ako.. eh anu naman? Ganun lang. We never talked. Wala lang talaga kaming pakielam sa isa’t isa. Ganun lang.
Isang beses ko lang siya nakausap nung high school.
Christmas Party.
Sa dami ng classmates ko, siya ang nabunot ko for exchange gift. Sa totoo lang, nahirapan ako maghanap ng ireregalo bilang di ko naman siya ganun kakilala. The mere fact na guy ang nabunot ko ay considered challenging na. Tapos siya pa? Dahil nga di ko alam kung anu ang magugustuhan niya, bumili na lang ako ng bonnet. Bahala na kung di niya magustuhan basta ako may gift.
Edi ayun nga.
Exchange gift na. Mejo worried pa ako, mejo maangas kasi dating niya sa klase e. Ayun, nung iabot ko, syempre nag-thank you sya kahit nakabalot pa. Nag-smile lang ako.
Tapos ayan, bukasan na ng gifts. Di ko namalayan na inaabangan ko na pala ang magiging rection niya, worried talaga ako. Hehe.
I did not expect na ganun ang magiging reaction niya nung makita niya na ang regalo ko. Todo smile ang mokong. Nagustuhan niya, in fairness.
At nagulat na lang ako nung uwian na bigla siyang lumapit saken. Nagpasalamat with a BIG SMILE on his face.
Yun ang first and last conversation naming dalawa nung High School.
Uulitin ko, wala siyang dating saken.
Never ko siya naging crush. Pero di ko alam kung bakit isa yung moment na yun na nag-stick talaga sa utak ko even before na magkita uli kami. WEIRD.
Ayun, after 48 years (choz. Eksaheraaadaaa?! hehe) nagkaroon ng plan na magkita-kita kaming magkakaklase nung highschool. Andaming kasama—sa plano. Habang lumlapit yung araw ng pagkikita, pa unti ng pa-unti ang makakasama.
The day before ang pagkikita, January 29, 2011. Nagpost ako sa Facebook about sa plan. Aba, after a couple of minutes may comment agad. John Rafael Calicdan. Wow, magtetext daw siya if makakasama siya. Sabi ko sa sarili ko, “wow, invited?!” haha. Syempre iba yung set of friends niya noon e. Kaya nakagulat na gumaganun siya ng comment.
Anyway, the more the many-er nga daw, so ok lang.
January 29, 6pm ang usapan. 7pm ako nakadating sa meeting place. Akalain niyo nauna pa ako. Ako pa lang mag-isa. Buti na lang yung bestfriend ko (Vanessa) malapit lang office dun kaya pagtext ko saglit lang andun na siya.
Mga 9pm nakumpleto na kami. At wala ang magaling na Calicdan. Nabanggit ko kay Ervin, tropa pala sila. Ayun, siya kumontak.
Sa loob-loob ko, aynako di pa rin ata nagbabago yung pandak na yun. Tinawagan siya ni Ervin, nawala daw sa isip niya yung lakad that night. Epal talaga. Pero dahil namimiss na niya ata c Ervin (hehehe), hahabol daw siya.
10pm.
Ayun, nakahabol nga c Calicdan. At nung mga oras na yun, ako na lang ang babae sa grupo. Umuwi na bestfriend ko e. Buti na lang kasama ni Vhernie c Ruby, yung GF niya. Ayun, enter c Calicdan sa Videoke hub.
Wow, ang tangkad na niya. Yun lang talaga ang nasabi ko sa sarili ko. Mahilig siguro sa Cherifer.
Tas ayun, batian, ganyan. Medyo nahiya ako, ewan kung bakit. Or dahil kala ko shy-type na siya bigla kasi di niya ko masyado pinapansin samantalang sa text feeling close ang unggoy.
Yun pala sa umpisa lang, nung mejo tumagal na umeepal na.
Di kami masyadong nakapag-usap that time na magkasama kami, puro kulitan lang. Ano pang aasahan ko e puro ulupong ang mga kasama ko, bilang ako lang ang babae sa grupo.
After videoke, nag-arcade ang mga guys. Bonding kami ni Ruby.
Etong c Calicdan suplado effect pa.
12mn na kami nakauwi. Iba-ibang way. Pero hinatid ako nila Vhernie at Ruby sa bahay.
Pag-uwi ko, gulat ako may text pala c Calicdan, sunud-sunod. Asan na daw ako, ingat daw ako, salamat sa time, etc.
Di ko na matandaan yun iba.
Basta ang tanda ko na lang, yung tanong niya kung saan nagsimula talaga ang unexpected na love story namin..
“Pwede ba kitang maging girlfriend?”<3